Hold-Up ‘To, “Huwag mong ihihinto, Tuloy lang !

Facebook user identified as Din vividly recalled the heroism of an off-duty cop who foiled the bus robbery by out dueling the armed robber and killing him subsequently.

According to Din, the bus was moving along EDSA when an armed robber fired a shot from the back of the bus to declare the robbery while shouting instruction to the bus driver not to stop.

“BUS HERO”
EDSA, HYPER MARKET – Centris Station
April 4, 2017 at exactly 2:11 AM

So…. eto ang nangyari, 12AM ako umalis ng Antipolo (nag shoot ng short film namin)… naka rating ako ng Cubao-Farmers ng 1:30AM (alam ko naman na wala pang bus na pa Sta. Maria, Bulacan ng 12:AM to 2:00AM) kaya naghintay muna ko na mag alas dos ng madaling araw, pero 1:50 AM palang ay may dumating na bus at may sumisigaw na kundoktor na “Caypombo – Bocaue – Sta. Maria !!!!” kaya sumakay na ko para maka uwi na, sa pinakaharap ako sumakay sa likod ng driver at may tumabi sakin na lalaki.

pero habang bumabaybay ang pampasaherong bus na sinasakyan ko sa kahabaan ng EDSA sa eksaktong oras na 2:11 AM ay biglang may pumutok sa bandang likuran ng bus (Akala ko gulong yung pumutok) pero may biglang sumigaw at nag deklara ng hold up at nag pa putok ulit ng baril nya na .38 revolver ang lalaki na nang galing sa bandang likuran ng bus habang naglalakad papunta sa harapan ng bus at sinigawan ang driver na “Huwag mong ihihinto, Tuloy lang !”..

… tapos habang naniningil yung kundoktor ng pamasahe sa bandang gitna ng bus ay napatakbo sya papunta sa harap habang binubulngan nya yung mga pasahero na ( ” hinohold up tayo ” ) tapos naalerto yung katabi ko at nagulat nalang rin ako na naglabas rin ng baril yung lalaking katabi ko at sumigaw na “Pulis ako ! ” sabay biglang pinutukan ng dalawang beses (Double tap) ang hold upper at nagtangka pang itaas ang baril ng hold upper kahit may tama na sya at itututok nya sana ito sa kundoktor kaya pinutukan pa ulit ng isa pang beses ng pulis ang hold upper kaya ito namatay at sabi ulit ng pulis na…
“Pulis ako ng Crame, huwag kayong matakot”

Habang yung mga babae na nakasakay sa bus ay maiiyak na sa takot, at tahimik lang kaming mga pasahero na naka tingin sa patay na hold upper.

“Huwag kayong tatayo, kung sino mang tatayo ay mamamatay” (dahil may hinala syang may kasama pa ito na nasa bandang likuran ng bus”

Nagpaalam ako sa pulis na kung pwede ko bang kuhanan ng video at litrato ang nangyari at pumayag naman sya..

“Ihinto mo yung bus na malapit sa mga pulis tapos tawagin mo!” (sabi nya sa driver at kundoktor ng bus)

Tapos ayun na, pinababa kami ng bus para kapkapan isa-isa at doon nahuli pa ang dalawa pang kasama ng holdupper dahil tinuturo sila ng mga pasaherong nakakita sa kanila at sunod sunod nang dumating ang iba pang pulis at mga media…

Imbis na makauwi ako ng maaga, tinanghali na ko ng uwi (9:00 AM) dahil, sa gustong kunin ng Media yung footage ko sa camera ko tapos dinala pa kami na mga witnesses sa Camp ng QCPD para magbigay ng detalye…

nagpapasalamat kami kay PO2 Joselito Lantano sa kabayanihang ginawa mo, kahit naka Off-Duty ka ay nagawa mo ang tungkulin mo.

Note: okay pala na sa harapan ka umupo, dahil nasa likod nagkukumpulan ang mga masasama.

This slideshow requires JavaScript.

ORIGINAL POST FROM: https://www.facebook.com/dm.diano47/media_set?set=a.948611705242423.1073741927.100002808061869&type=3

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s